Happy Teeth’s Day!

Yeah. You heard, I mean, you read it right. Teeth’s. No, not the one you are thinking! Green. You mother father you.

Wew. Bakit napa-english ako dun? Lol. By the way, ngayon ako nagpa-adjust, actually, kararating ko lang. But before the adjust scenario, nag-usap kami ni Beh, Sheriiil. As usual, sino pa ba pag-uusapin, edi iisang tao din. Kiligs kami. :”> What! 

Ako: *nagtext* “Good Afternoon po Tita (yung dentist), magwa-one month na po akong di nagpapa-adjust. Kaya papa-adjust po sana ako mamaya. Available po ba kayo ngayon? Marami po bang customer? Mamaya po sanang 3:30PM, papareserve na po. Para mabilis po. Ayos lang po ba? Thank you po.

Dentist: K

Jusko, natouch ako sa sagot niya. :( Ang haba. Nakakaiyak. Inisip ko na lang, atleast nagreply siya. Kahit isang letter. Kesa naman replyan niya ako ng, “hahahaha”. Oh di ba? Swerte na ako sa “K” niya.

Sabi ko 3:30PM, eh 3:15 na, *#medyobadboywithhashtag*. Dun pa lang ako naligo, syempre nagconcert, salamat sa sabon, shampoo, shower, yung towel, yung gamit kong brief at naappreciate nila pagkanta ko.

Nag-abang ng trike. Tagal nyemas na nakabalot sa cellophane. Eto na, may paparating, may lalaking nakabuka sa loob, isa lng siya, so dun na rin ako, alanganamang magbackride ako. Duh. Ayun, pumasok ako, takte! Nakabuka pa rin si Koya! Sarap katusan ng grater! Kuya! Uso itikom ang umaalingasaw na pinto ng kadiliman. Kung ilalarawan, ganito sia. ||( )(———-) || Ganyan, Ipit ako!Di naman siya chubby. Naku! Na-BV ako! Tinutulak tulak ko siya ng konti para maramdaman nyang may nahihirapan sa kakabukaka niya at kakabigay ng hangin sa dalawang itlog at isang hotdog na inakay niya. Kabanas! Balak ko pa sana, may itetext ako, then nakalagay sa text, "Ang sikip sa tricycle fre, di ako makatext. Ang sikip!" Tapos papakita ko sa kanya, kunware di sadya. Kaso di ako makatext, sikip kasi shoot! Wala badtrip!

Sa wakas, bumaba na si kuyang mukhang adik dahil singhot ng singhot kahit walang sipon. Nakadrugs ata. Ang chura naman niya. Tapos di pagbibigyan ng space ang napaka-ehem ehem pogi kahit slight lang na katulad ko. Walang pakundangan! Bili kitang tricycle eh! Sarap itulak palabas! Kaso ako yung malapit sa pinto eh, so di ko nagawa. 

Brooom! Bilisan natin, tapos na ako magpa-adjust. Ay ang bilis nga. Basta pink na yung rubber ko. Nasubukan ko na lahat eh, basta wag lang orange, yellow, red at black. Kshare. Kalikot. Lagay. Tapos.

Naglakad ako hanggang sakayan. Sumakay ng jeep, syempre bumaba din. Eto na, tricycle na naman.

May nakasakay na lalaki. Siya na naman. Palapit na ako, di gumagalaw. Ay ang tibay dre. Ayaw ako pasakayin? FAQ.  Ayun, palapit na ako, ayaw pa rin. Tas bumulong ako, "Fre, uso umusog." Ayun, umusog nga. Sarap sigawan ni Koya. BV ulit.

Umupo ako,

»*DOOOOOONNNNGGG!*« 

(Caps lock at lagyan ng style para intense; italic para dramatic.) 

Nasuldong ng tuhod nya yung pwet ko! Huhuhuhu! Di na ulit siya virgin. :(( Tas ako pa nagpa-sorry. Aywow ha. Sa sobrang BV ko, lumipat ako sa backride although ayoko dun. Kayamot si Koya. Bananaque ka! 

Ayun, nakauwi na. Buti tinext ako ni Crush. Ode tapos. :”> At asan ang “Happy Teeth’s Day”? Wala lang. Trip ko lang i-title, nagpa-adjust eh. 

P.S. Break na kami ng nililigawan ko. 4 days kami nagtagal. Oo, nagtagal, kasi matagal na yun ah. Basta. Atleasr 4 days, yung iba diyan araw-araw,oras-oras iba-iba, gusto assorted. Mwa. 

  1. dutchmillboy posted this