Only just a dream….

Umandar na naman ang pagkafanboy ko. Stalk here, kilig sa may siko. Tingin pictures, natunaw ang singit ko. Tinititigan niya ako. :”> sa picture. -_____-” Kinikilig ako, daig pa sa vibration ng Nokia, Samsung at Iphone niyo.

Time Check! 2:50 AM. Open FB, *click* May noti sa sa lahat, friend request, messages, noti. Syempre, friend request muna, di ko tinignan lahat. Ain’t even got time fow that! Pero nung nakita ko siya na in-add ako, mehged, I’ll spend my time till the sun rises! Ohemgie! Parang chime na kumuliling ang squid balls ko. Hahaha. Syempre, ACCEPT AGAD AGAD! Kakara karaka!

Chineck ko Timeline niya, syempre nu gagawin ku dun? Kaya punta akong mga photos. Wew! Quotang quota! Ala na! Fanboying makes me lalalalalala Stalked for thousand times. Tingin pictures, mehged! Nakakatunaw! Ice cream na ako! :(( Kahit kausap ko siya sa Tumblr, sa Twitter, sa Text at Skype, nag-iba nung sa FB. Mas lumala fre! :”>

Pinana ako ng espiritu ng kaantukan. Namimilipit na ang bawat talukap ng mata ko. Hanggang sa pagtulog, text pa rin. :”> At ayun, nakatulog na ako.

Ang Panaginip…. Wala. As usual, di ko na maalala. Lagi naman eh. Sa lahat ng panaginip ko, puro end of the world theme ang mga natatandaan ko. Yung pagguho ng tulay namin dito, yung paglaki ng Mt. Arayat, yung bumulwak yung lupa sa amin, yung umulan ng bulalakaw lahat na! Pero yung kaninang panaginip ko? Wala. Pero iisa lang ang natatandaan ko, yung mukha niya. Charming. Cute. Hot and Cold yes and yor no…. lol. Basta, mukha nya lang as in mukha niyalang. :”> Tanda ko, nakatitig sya sakin. As in harap harapan. Pilit kong tinatandaan, as soon as nung bumangon ako, di ko kinaya. Wala. Nakalimutan ko na. Pero Yung mukha niya, nakatitig siya sa akin. Only just a dream? Sana magkatotoo. Sana mangyari. Sana malapit na….

Ang sarap ng gising ko. Pwera lang sa katotohanang ginising ako ng nanay ko para i-text daw yung naglalaba dito, tambak na yung labada eh. Bakit di na lang nila pinuntahan? Naku! Ginising ako! Ginising ako! Wala na, pero since nagtext siya, si Ano. Nawala BV ko. NAGISING ANG KATAWANG LUPA KO. Yung puso ko! Heart Attack! :”> Kaya ayun. Maganda na ulit gising ko.

Pero, galit pa rin ako sa Ate ko. Kasi dapat nasa Laguna ako ngayon. At nag-EK kahapon. Pero ayos lang, kung di kami umuwi, baka di mangyayari lahat to. Pero di ako magpapasalamatsa Ate ko. Nu ako?! Laaahh. Magpapasalamat ako sa Wi-tribe and Globe for fast connection. Sa ever-loyal kong Ipad 2 at Samsung Galaxy Y. At kay Tita Beth na nagload sa akin, utang ko lahat ng kilig moments ko kahapon, kanina, ngayon at MAMAYA. :”>

  1. dutchmillboy posted this